Welcome to HOROBODISM // the online logbook of s14

About

Ito ang nawawalang logbook ng S14-C2T7!!! We are students from DLSU-Main.. pero yung iba ay nasa DLSU-DASMA at DLSU-CSB na. Lahat kami ay mga Horobodz. Yun lang... pucha bigyan niyo naman ako ng info na pedeng ilagay sa site natin!!

List of upcomming events:
April 10 : Birthday ni Josex!
April 14 : Birthday ni Jolly!
April 19 : Course Card Distribution
April 25 : Birthday ni Michelle!
April 29 : Birthday ni Janseb!

LAKAS TRIPS PRODUCTIONS
Orgy Kama Sutra Dilemma
The Mentos Challenge

Moderators

Robbie Bautista. 17. scorpio. stupid. clumsy. spontaneous. weird. sushi. music geek. vain. bitch. underdog. miguel boy. procrastinate. gullible. devil may care. mostly straight. underweight. headphones. pornstar. emo. dashboard confessional.


Meg Marasigan. 6teen. libra. cute. dreamer. passionate. naturalist. colorful. wanderer. cowgirl. versatile. morbid. tripper. junkie. stalker. chill-out. agno spacer. kalbo guys. ponkan. darkice. BRENT JAVIER.



Members


Carissa Campos. 17. capricorn. madame. child. stubborn. bitch-tamer. wordslinger. annoying. bubbly. penguin. strange. yin and yang. that's so raven. ether. genderless. butt kisser. bum. dreamer.


Aeyc Cruz. 17. poohbear. mataray. snob. lasalista. sola-lemon. ate. been butt kissed. bean tracker. kassel dweller. coffee addict. fighter. tolkien reader. chinese stalker. blueberry muffin.


Beans Hernandez. 17. arctic tyke. p1. slow. libra. tiger. smile. droopy. psylocke. kassel. dlsl. dlsu. daing na bangus. ff8. snow. frost. niyebe. feel the stride.


Jansen Musico. 16. taurus. watcher. tito boy abunda. impossible dreamer. brutally frank. indifferent. silent-worker. Christian by choice. weird. struggling writer. sarcastic. sensitive. insensitive.


Stellar Anson. freedom. crusader. supernova. mother. adventurer. meditation. 5th and 6th chakra. breakwaters. cold beer. damp paper. signpens. words. strange. silence. Howl. tambolera. miles davis . hendrix. another planet. stellar.


Alvin Tan. 17. clefairy. billiards. sensitive. talkative. frank. childish. lazy. wrestling. arcade. feminine. pizza. fond of cow-girls. passive. aggressive. Saber Marionette J. pisces.


Ellie Ng. 17. born-again christian. shy type sa simula. mkulit. maingay. japoy. yeo. tiu. taekwondo. tanga sa pag-ibig. may topak. malabo. chinito guys. cuties. dolphins. stars. moon. nature. romantic places. breath-taking sceneries.


Mik Luna. 18. leo. always in hibernation. beer-drinking. ass-kicking. MP-hating badass. bum. goatee. paradox. agnostic by definition. confused. undecided. indifferent. a sky written in shades of gray.


Daniel Lim. 17 capricorn. numb. gawk. kantatero. torero. elepante. dreamer. music. blunt. wingding. billiards. lighter. hungry. choco-gin. beer, beer, and beer.


Ken Goyena. 17. cancer. terms. soul. reserved. shy. childish. carefree. loner. ragna addict. wasted. moody. dreamer.

Nash Limpin. 17. scorpio. girl. crazy. broken-hearted. hopesfall. romantic. sweet. childish. athlete. runner. trackster. blue. lonely. alone. defeated. helpless. bitch. paranoid. confused. dreamer. music. moon. philophobic.




Design MKdesign // Avatars StellarDream

Last week's winner:

Best term this year?
Second Term

Sino ang pinaka-asteeg na prof sa lahat?
Mary Anne Moreno
Weblog Entries


Monday, June 07, 2004

:: meggy weggy 6:37 PM

mahal kong s14

Kamusta sa inyo. Puta. Nag-post pa talaga ako sa bulok na blog na to. As if naman may magbabasa. Eh ung isa ngang moderator jan, hindi na yata binibisita to. X na nga ung avatar niya. Parang wala talagang pakialam. Haha. Joke lang ha. Alam ko may paki ka. Busy ka lang masyado sa mga subjects mo na hindi naman masyado enjoyable. Manood ng Lion King, mag-drawing, at mag-kuha ng mga pictures with an artistic twist. Aba! Hindi masyado enjoyable un. Hehehe.

Sa kabilang dako, (naks!) hindi ko maintindihan kung bakit walang bumibisita sa blog na to. Dapat nga ngayon bumabaha ng post dito eh. Kasi, ngayon tayo hindi nagkikita. Ngayon dapat natin na-mimiss ang isa't isa. At dapat ang blog na to ang magdudugtong satin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit walang mga post dito. Sawa na kayo sa layout, siguro nga. Pero kung ang pag-uusapan eh ung mga updates sa nangyayari sa mga buhay niyo, puta, eh lokohan na kung nagsasawa na kayo makarinig ng "life's blah blahs" ng bawat isa sa atin. Dapat nga ngayon tayo maging interesado sa buhay ng isa't isa. Basta ako miss ko na kayo kaya ako nagsusulat dito. Kung walang makakabasa, okei lang. Kung meron, mas masaya. At mas masaya kung mag-cocomment kayo, o kaya mag-tag, para alam ko na may nag-vivisit pa sa blog na to. Pinaghirapan namin ni Robbie to. Masakit nga sa loob na konti lang ung sumusuporta dito.

Alisin na natin ang usapan sa blog. Tungkol na lang sa atin.

Akala ko nung una, ibang klaseng pagkakaibigan ang namumulaklak sa mundo ng mga HOROBODZ. Alam ko noon na walang MP na makakatinag sa samahan natin. Pinatunayan yan nung 2nd term last year. kahit anong pressure ang meron sa MP, sabay-sabay pa rin sa paggawa. Sabi ko, ibang klase to. Kasi mas makakahanap ng time kung hiwa-hiwalay ang paggawa. Pero, kahit gabihin sa school, kahit mapagsaraduhan ni manong guard, kahit wala nang LRT, eh tuloy pa rin hanggang 9pm ang paggawa. Akala ko, walang schedule conflict na makakasira sa mga meetings natin. Pinatunayan din yang nung 3rd term. Kahit hindi magkakaklase, kahit hindi na pareho ng sched, tuloy pa rin ang mga tambay sa venue at gox lobby.

Subalit ngayo'y wala na.... Kayo ay lumayo na... *singing to the tune of Jeepney*

Kaya naman hayaan niyo akong magpasalamat kay Chumz at kay Robbie na kahit na nasa kabilang dako na ng Taft Ave. eh walang sawang bumabalik sa Planetang Gox para masilayan ang mga mukha natin. SALAMAT!

Sa iba naman, naiintindihan ko na maraming ginagawa. Naiintindihan ko na kailangan na magtino. At lalong naiintindihan ko na ayaw niyo na bumagsak. Ayoko na rin eh. Naiintindihan ko na maraming ginagawa. Ako lang, napakadaming binabasa. Sandamakmak na libro ang pinababasa samin. Pero sana, wag isakripisyo ang isang oras na pwede tayong magkasama. Katulad na lang ng pagkain ng lunch. Okei lang kung hindi kapareho ng sched, okei lang kahit hindi makasama, naiintindihan ko. Mahirap nga naman mag-tiis ng gutom. Pero, meron kc na pwede naman sumabay, hindi naman siguro mag-aaral habang kumakain, pero pinipili pa rin wag sumabay. Un lamang po ang hindi ko maintindihan.

Para sa mga taong hindi ko na nakikita, STELLAR at GEE, miss ko na kayo. Hindi ko pa kayo nakikita. Sana okei lang kayo. Kami okei lang.

Un. Hindi ako galit ha. Nagsasabi lang kung anong nararamdaman ko. Alam ko naman na ang bawat isa satin ay malayang makakapag-post sa blog na to, at maaaring magkaroon ng malayang palitan ng kuro-kuro. (Chumz, naiintindihan mo? wahehe.)

Miss ko na kayo.

Miss ko na ang mga tambay sa Gox lobby. Ang Venue. Kumain kami sa Venue one time, ang lungkot. Wala nang mga s14 na nag-bibilliards. Dati puno natin un. Miss ko na ang mga tawa. Mga kwentuhan. Inuman. Mga tambay sa bahay ni Beans. Ang mga lakas trips. Ang porno agendas. Ang Tekken. Ang Bust-a-groove. Ang CTR. Miss ko na ang DVD marathons sa bahay ni Chumz. Ang rooftop getaways sa Torre. Ang Linux lab. Ang G203. Ang s14. Ang Horobodz. Sobra.



:: pinoyreality 4:17 PM

ayan. magbloblog muna ako dito...

paano ba yan. inaalikabok na po itong blog natin. hay naku. buhay college talaga. pagpasensyahan niyo muna ang aking hindi pagblog sa blogsite ko. hindi bali matatabunan kayo ng landslide...

thank you po ulit kay Aeyc at natapos ko na yung Viridian Room. ganito kasi yung heirarchy nun eh. Crimson_room->Viridian_room->Blue_chamber. may isa po akong magaling na kaibigang nagpadala ng URL ng prototype ng blue chamber pati yung username at password nito. kung baga, bonus game lang ang blue chamber.

THE BLUE CHAMBER
http://www.fasco-cs.com/works/bluechamber/index_e.php
login name: viridian_500_CkFcg
password: CuvSQ8KA

para dun sa walang kaalam-alam ukol dito, unahin niyo muna ito

CRIMSON ROOM (tip: kayo'y maging makulit at mausisi)
http://www.ebaumsworld.com/crimsonroom.html

VIRIDIAN ROOM (magpakabaliw kayo sa kakaisip!)
http://www.albinoblacksheep.com/flash/viridian.php

THE MYSTERY OF TIME AND SPACE (pangit ang graphics pero sobrang hirap!)
www.albartus.com/motas/mystery/game.htm

ayan. magpakasasa muna kayo sa paglalaro niyan kung wala kayong magawa lalung-lalo na diyan kina robbie na wala daw ginagawa sa CSB kundi magdrawing. hehehe! joke lang hoy magupdate naman kayo parama-inspire din akong magupdate kahit papaano. sira pa kasi PC ko eh...


One liners

Thursday Ten

Mga seryosong tanong na nangangailangan ng seryosong sagot...

1. kung papalitan ang balat mo sa buong katawan, ano ang mas gusto mong ipalit, balat mo sa siko o balat mo sa talampakan?

2. kung tatlo na lang ang buhok mo sa ulo, gusto mo bang sama-sama ang mga ito o hiwa-hiwalay?

3. maliban sa buhok at kuko, anong parte ng iyong katawan ang nais mong patuloy na humahaba?

4. bestfriend na may bad breath, o boyfriend na may BO?

5. kung ikaw ay magiging materyal na bagay, ano ka, toilet paper o sanitary napkin?

6. meron kang six-inch na makapal na buhok sa kili-kili, anong gagawin mo dito: rebond, dreadlocks o afro?

7. kung ikaw ay magkaka-girlfriend, ano ang mas gusto mo, babaeng may chest hair o babaeng may goatee?

8. isa na lang ang kilay mo, saan mo ito ilalagay, sa kanan o sa kaliwa?

9. kanino mo gustong makipag-makeout, sa taong walang ngipin o taong walang dila?

10. pimple sa ilong o ilong sa pimple? (actually, slightly modified: magkaroon ng isang malaking pimple sa ilong forever o kada magka-pimple ka eh may ilong ito.)

Photos








Archives

03/21/2004 - 03/28/2004
03/28/2004 - 04/04/2004
04/04/2004 - 04/11/2004
04/11/2004 - 04/18/2004
04/18/2004 - 04/25/2004
04/25/2004 - 05/02/2004
05/02/2004 - 05/09/2004
05/23/2004 - 05/30/2004
06/06/2004 - 06/13/2004
06/13/2004 - 06/20/2004
09/05/2004 - 09/12/2004
02/18/2007 - 02/25/2007

Reminiscing

Remembering the award-winning entries from our first logbook.

"Nico,

akala mo ikaw si Jobert pero hinde!! kc nung umuwi ako galing Tuguegarao, may nakita akong mama, siya ay nanay ko. Biglang umihip ang katabi ko sa tenga ko, nagulat ako!! Hinabol ko siya sa bahay ng tito ko. Ngunit ako ay utong kaya hindi ako makaalis sa dibdib ng mayari.. hinila ko ang kapatid ko sa braso, siya ay nasaktan, sumigaw siya ng malakas!! Aaaah!! Nagising ako sa panaginip ni kuya. Hindi talaga ako makapaniwala na hindi na perfect cone ang Mayon Volcano!! biglang umupo ang manok....

Moral: Dont judge a book by it's cover.
"

witten by Hiro.